Pages

Friday, December 31, 2010

Highschool Life :)

Higschool life :)


Muntinlupa Science High School, isa sa mga pinakapinag darasal ko pagkagraduate ko ng elementary ay ang makapag-aral ako sa Munsci. Tuwing sabado noon ay umaatend ako ng review sessions para maghanda sa darating na entrance test ng Munsci.
Naging masigasig ako sa pagrereview at nagdasal ng husto.
At ng dumating na ang resulta, Masaya dahil pumasa ako.
Masasabi kong hindi nagging madali para sa akin ang pagiging isang Munscian pero ito ay nagging Masaya at marami akong natutunan.madame akong nagging karanasan, nagging pag-subok. Natutong umiyak at natutong sumaya. Madaming mga kaibigang nakilala at sinubok din ng ilan. Natutong umibig kahit minsan bigo.
Isa sa pinakamasayang parte ng highschool life ko ay ang mga pagkakataong nasusubok ang samahan ng klase, kung saan nabuo ang tunay na pagkakaibigan at pagkakaisa. Ang section ko na Aristotle nung ako ay nasa unang taon ang isa sa pinakamasaya taon sa akin. Nagkaroon ako ng Circle of Friends ang Mang Tomas , nabuo sa section naming ang mga karanasang hindi naming malilimutan. Nagging masakit man para sa amin na kailangan naming mahiwahiwalay, nanatili naman ang aming pagkakaibigan.
3rd year ako ng mgaing parte ako ng section na Fahrenheit. Isang section kung saan ko nakita ang tunay na kahulugan ng UNITY. Nabuo ang pagkakaibigang walang iwanan.
Sa mga panahong din ito natuto akong umibig. Maging committed sa isang taong espesyal para sa akin, masarap sa pakiramdam sapagkat alam mo na espesyal ka din para sa taong yun. Ngunit tunay na WALANG PERMANENTE SA MUNDO, sa pangalawang pagkakataon,ang una at ikalawang taong natutuhan kong pahalagahan ay kailangang lumisan. Masakit man at bigo ngunit alam kong bata pa talaga ako para sa mga ganoong bagay kahit na alam kong masakit pero kailangan kong tanggapin, Masaya na din ako sapagkat natuto ako sa isang magandang karanasan na ito, hindi dapat sayangin ang buhay dahil marami pang oportunidad ang kayang bigay sa akin ni God kaya LIVE LIFE TO THE FULL.
Isa sa pinakamgandang parte ng buhay ko ay ang pagkakakilala ko kay God through
Victory Christian Fellowship.
Nagsimula akong pumunta sa lugar na ito noong ako ay 2nd year at ngayon ay masasabi ko na madame akong napulot at natutunan sa lugar na ito. Ditto ako nakasalamuha ng mga taong may Faith kay God. Mga taong nagturo sa akin para maging isa sa kanila at wala akong pinagsisihan doon.
Ngayon natuto akong mamuhay na may tiwala sa kanya. I may not be perfect, alam ko marami akong pagkakamali pero nakakaya ko lahat through God.
At ngayong nasa ikaapat na taon na ako gusto kong maging makabuluhan ang huling taon ko sa paaralang ito. “Fish for men” lalu na ang mga estudyanteng katulad ko dahil alam kong Calling ni God yun. Sabi nga “Grab the Calling and Breakthrough”. Gusto kong maiparating sa mga katulad kong teenager na you can live your life to the full NOW just allow youself to be used by HIM. Let us live for Christ. Kaya naman alam ko na magiging maganda ang kinabukasan ko wuth God. At magsisikap na marating ang pangarap na pag-pasa sa UP DILIMAN at patuloy na pagtupad sa naisin ko sa aking buhay.
Iyan ang maikling kwento ng aking buhay sa loob ng labinlimang taon at ang patuloy ko pang pamumuhay sa mundong ibabaw. Alam ko na mararating ko ang aking mga pangarap at ang
BAWAT KABIGUAN AKING NARARANASAN ay isang magandang aral at karanasan.
Mrami pa ang pwedeng magyari at ang lahat ng ito I submit it to God.
Naniniwala akong sa ating pagsususmikap matutupad an gating mga pangarap.

Muli ako si Liezel A. Dizon…..

“You will only be remembered in life by the problems you solve and the ones you create. You will only be pursued for the problems you solve. The problem the INFURIATES YOU THE MOST  is the problem God has assigned for you to solve”



asayment sa Economics ahaha..

No comments:

Post a Comment